Si Dolphy at ang Komedyang Filipino 07/11/2012

A. Mga ideya

  1. Si Dolphy [Rodolfo Vera Quizon Sr] ang tatanghaling ikon at ultimong komedyante ng kaniyang panahon, at magtatakda ng kumbensiyon sa larangan ng pagpapatawa sa pelikula, telebisyon, at radio.
  2. Ang uri ng siste o paraan ng pagpapatawa niya ay lumilingon sa gaya ni John Falstaff o Charlie Chaplin.
  3. Maibubukod si Dolphy dahil sensitibo siya sa reaksiyon ng manonood. Higit niyang pipiliin na pagtawanan ang sarili kaysa kasangkapanin ang manonood para pagtawanan lalo ng nakatataas ang estado sa buhay.
  4. Ibig sabihin, alam ni Dolphy ang midyum na kaniyang pinapasukan subalit hindi na niya ito kailangang ipagyabang.
  5. Ang pangwakas na kritiko ni Dolphy ay ang malawak na madlang sumubaybay ng kaniyang makulay na karera.

B. Komentaryo

Layunin ng awtor na ipahayag ang mga mabubuting pamumuhay ni Dolphy na naglalarawan ng isang tunay na Pilipino. Hindi lamang malaki ang kanyang impluwensya  sa industriya kundi pati na rin sa mga taong sumusubaybay sakanya. Larawan si Dolphy ng isang mapagkumbabang personalidad na patuloy na tumatanaw ng utang na loob sa mga taong nagdala sakanya sa tagumpay na kanyang natamasa ngayon.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Sa bawat yugto ng buhay ng isang tao hindi mawawala ang problema. Problemang mahirap solusyunan, problemang mapapabuntong-hininga ka na lamang. Ngunit bilang isang Pilipino, likas na sa ating personalidad ang pagiging masayahin. Ito ang aking paraan upang harapin ang bawat problema na dumadating sa aking buhay. Dapat harapin ang problema ng may ngiti sa ating mga labi upang maayos nating magawan ng paraan at masolusyunan ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s