Paghahanda sa pagdating ni Bagyong Pepeng 10/01/2009

A. Mga ideya

  1. Tuwing may malawakang pinsalang dulot ng bagyo muling nauunawaan ang halaga ng pagtaya ng panahon.
  2. Sinasabing mahirap pigilin ang bagyo, ngunit may magagawa pa rin ang mga tao para makaiwas sa anumang di-inaasahang sakuna.
  3. Maghanap ng mataas na lugar o pook na malimit maabot ng baha.
  4. Umiwas na manirahan sa gilid ng ilog o dagat.
  5. At higit sa lahat, maging handa.

B. Komentaryo

Nais ipabatid sa atin ng awtor na dapat lagi tayong maging handa sa anumang mga sakuna na maaring mangyari sa ating lugar. Mapa-bagyo man ito, lindol, sunog atbp. Ang mga unos na nararanasan natin ay kailan ma’y hindi mapipigilan subalit maari namang iwasan kung ito ay paghahandaan.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Naranasan ko na din ang lumusob sa baha. At naranasan ko kung gaano kahirap ang lumusob dito. Nariyan ang mga sakit na maari nating makuha tulad ng Leptospirosis at Tetano at ang mga disgrasya na maaring mangyari sa atin tulad ng pag-apak sa live wire. Dapat tayong maging maingat sa mga ganitong sitwasyon upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s