Kampanya at Kahirapan 04/10/2010

A. Mga ideya

  1.  Pinakamalupit na panahon ang Abril, kung hihiramin ang dila ni T.S. Eliot, at idaragdag kong isinisilang nito ang mga bulaklak ng kampanya mula sa tigang na lupain ng propaganda, samantalang dinidiligan ng salapi mula sa bulsa ng mga politiko.
  2.  Ipinangangako ni Manny Villar na “tatapusin” ang kahirapan ng mga Filipino, sa pamamagitan umano ng sipag at tiyaga.
  3. Madali ang mangako, wika nga, ngunit mahirap isakatuparan iyon. Ang pangangako ni Villar na tatapusin ang kahirapan ay nagtuturing sa kahirapan na animo’y isang halimaw na maaaring paslangin sa pamamagitan ng espada at agimat.
  4. Malaya si Villar na mangakong “tatapusin” ang kahirapan. Ngunit dapat tandaan niyang ang kahirapan ay hindi linear.
  5. Ang kahirapan ay walang kisapmatang solusyon, bagkus malulutas lamang ng sama-samang pagkilos at pakikilahok ng taumbayan.

B. Komentaryo

Maraming tao na nasa pulitiko ay puro lang boka ngunit hindi naman nila ito ginagawa, sinasabi nila na tutulungan ang bayan ngunit hindi naman. Marami rin sakanila ang mandaraya, binabayaran ang mga botante upang manalo,  Madami rin sakanila ang kinukurakot ang pera ng bayan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas at nananatili na tayo ay isang “Third World Country”.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Hanggang ngayon, hindi parin matanggal tanggal ang mga opisyales sa gobyerno na nangungurakot. Kaya maraming mahirap na mga Pilipino na walang makain dahil sa kanila. Hanggang pangako lamang sila. Napapako na mga pangako. Iyan ang mga opisyales ng gobyerno dito sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s