Ina ng Laging Saklolo 04/29/2010

A. Mga ideya

  1. Makapangyarihan ang imahen ng ina sa lipunang Filipino, at ang ina ay sumasagisag hindi lamang bilang “ilaw ng tahanan” bagkus tagapagtanggol ng anak laban sa anumang batik na maipupukol ng kalaban.
  2. Isinasadula lamang muli nina Aling Dionisia at Marlene ang sinaunang pagkilala sa ina, na nagsusumikap itaguyod ang anak, pagsusumikap na halos isasakripisyo ang lahat, gaya ng dangal at ari-arian, at pagkaraan ay halos kalabanin ang anak sa larangan ng pagpapansin sa puting tabing at iba pang aspekto ng sining.
  3. Magnetiko ang hatak ng ina dahil malalim ang paggalang ng mga Filipino kay Birheng Maria, ang kinikilalang ina ni Hesus at tagapamagitan ng mga tao sa diyos.
  4. Kaya hindi nakapagtataka na gamitin ang hulagway ng ina kahit sa eleksiyon.
  5. Ang pagkilala sa ina ay dapat lumawak at maging makabuluhan, imbes na maging de-kahon at tradisyonal, at ang mga politiko ay makabubuting lumayo sa laylayan ng palda ng kani-kaniyang ina, at ipakilala ang tunay na kakayahan nang hindi mabansagang “Mama’s Boy” kung hindi man “Boy Toy.”

B. Komentaryo

Totoo na ang ina ang nagsisilbing supporta at gabay sa atin. Sila ang nagbibigay ilaw at lakas na nakakatulong sa atin simula pa sa ating pagkabata. Ang ina ang ilaw ng tahanan. Sila ang pinakamahusay at pinakamagaling pagdating sa mga desisyon. Hangga’t sa maaari, tayo’y tutulungan nila. Mahal na mahal ko ang aking ina.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Ang aking ina ay nag-iisa lamang na nandito sa bahay, dahil simula ng naassign ang aking itay sa General Santos sa Mindanao bilang NBI head/chief. Ang aming ina nalang ang nag-aalaga sa amin, pero nandyan parin naman ang aming itay. Ang aking ina ay mabait, walang duda. Siya ang nagbibigay sakin ng lakas, kung baga siya ang inspirasyon at role model ko dahil nung bata siya ay napakahusay niya. Nais ko ring bumawi sa lahat ng tulong niya sa amin pagkagraduate ko sa kurso kong Computer Science.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s