Hostage 08/24/2010

A. Mga ideya

  1. Mang punong negosyador sa pagpapalaya ng mga bihag. Inakala ng mga pulis na ordinaryong pagbihag lamag iyon na malulutas sa pakiusap.
  2. Hindi napagplanuhan ng mga pulis nang maigi kung paano lulusubin ang bus. Pulos porma ang SWAT and hindi sila kompleto sa gamit.
  3. Hindi marunong magmaso ang mga pulis at walang kumontrol sa mga usisero na mas lalong nagpalala pa ng sitwasyon.
  4. Masyadong maluwag ang coverage ang media nagbigay daan para kay Mendoza na mamonitor ang mga pangyayari sa labas ng bus. Hindi nakontrol ng mga pulis ang mga kaanak ni Mendoza.
  5. Dapat sana ay binaril na ng mga pulisya ang kamay ni Mendoza noong nilabas nya ito sa bintana ngunit walang pumutok. Iisa lamang si Mendoza at maraming mga pulis ang rumisponde ngunit hindi naman nagwaging mapasuko ang suspek. At higit sa lahat, malaki ang pagkakamali ng bus driver na nagpapasok kay Mendoza kahit na may dala itong mga armas.

B. Komentaryo

Base sa aking pagkakaintindi sa sanaysay na ito, ibinahagi ng awtor ang kanyang opinyon ukol sa malagim na pangyayaring kinasangkutan ng mga turista. Isang malaking sira ang naidulot nito sa pangalan ng turismo sa ating bansa at isang malaking kahihiyan ito sa ating pulisya dahil hindi sila naging matagumpay sa kanilang misyon.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Nararapat lamang na magsilbi itong leksyon sa ating industriya lalong lalo na sa ating mga pulisya at turismo. Kaligtasan ng bawat isa ang pinakaimportante sa lahat dahil buhay ng tao ang nakasalalay sa bawat maling pagkakamali na maaring ikamatay ng sino man.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s