Alamat ng Karagatan 01/23/2009

A. Mga ideya

  1. Nainip sa ilalim ng karagatan si Amansinaya, ang bathala ng tubigan, noong musmos pa ang daigdig.
  2. Ang kinaugaliang-anyo ni Araw ay tila umaahon siya sa silangang dagat tuwing umaga, at lumulubog naman sa malalim na kanlurang dagat tuwing dapithapon.
  3. Nabigla si Ulap; at hindi niya napigilan ang pagtapon ng napakaraming asin sa karagatan, at yaon ang simula kung bakit umalat ang mga dagat sa daigdig.
  4. Pagkaraan niyon, lumikha ng sariling pamantayan si Amansinaya sa loob ng kaniyang sarili: ang pamantayan na kakaiba sa pamantayan ng iba pang bathala ng kalawakan.
  5. At itinakda niya nang sandaling yaon ang pantay-dagat sa buong daigdig upang maging batayan sa pag-iral ng sangkatauhan.

B. Komentaryo

Tulad ng sinabi ko, ang mga alamat ay kathang isip lamang at hindi totoo. Isinasaad dito kung paano nalikha ang isang napakagandang karagatan na punong puno ng magagandang buhay dagat. Sabihin natin na ang karagatan ay mahalaga, dahil dito nanggangaling ang mga kinakain natin tulad ng mga isda, hipon, alimango at marami pang iba. Mahalaga din ito dahil marami sa ating mga Pilipino ay ito ang pinagkikitaan ng buhay sila ay ang mga mangingisda. Ang isla natin ay pinalilibutan ng tubig/karagatan kaya napakahalagi nito para sa ating mga Pilipino.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Pangalagaan natin ang kalikasan, dahil mahalaga ito lalo at ibinigay ito sa atin ng Diyos. Tayong mga Pilipino ay tamad, kaya nakakaligtaan natin na hindi mapangalagaan ang ating kalikasan, tapos aangal tayo na marumi ang polusyon dito sa Pilipinas, pero tayo parin naman ang may kasalanan noon. Ako’y naging mapagmahal sa kalikasan dahil para sa akin, ito’y nagsisilbing buhay na nagpapasaya sa atin dahil kung wala ang mga ito, tayo’y malungkot, lalo na ang karagatan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s