Ang Alamat ni Tungkung Langit 01/29/2009

A. Mga ideya

  1. Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa.
  2. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugma lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
  3. Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking kabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking mahal. “Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
  4. Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
  5. Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin dati doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan.

B. Komentaryo

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay bagay. Ito ay isang kathang isip lamang at hindi totoo dahil layunin lamang nitong bigyan ng pinagmulan ang bawat bagay, katumbas nito ang “legend” sa ingles. Ang ilang parte sa alamat na ito ay maihahalintulad rin sa tunay na buhay pag-ibig na nararanasan ng isang bawat taong nagmamahal.

C. Karanasan o Obserbasyon sa buhay

Nararapat lamang na pantay ang trato ng mga lalaki sakanilang mga kabiyak dahil may mga ilang gawain na ginagawa ng lalaki na kaya rin naming gawin ng mga babae. Mayroon silang sariling kakayahan na hindi rin naman kayang gawin ng mga lalake. Dapat bigyan din ng pagkakataon ang bawat isa na patunayan ang kanilang sarili.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s